2010..R u ready?!

Posted in Familia, Pinas moment, deepside arnie, dubai, eskapo, triggermind with tags , , , , , on December 30, 2009 by arny

Woah!akalain mo nga naman?!patapos na ang taon at heto ako ngayon nag-kukumahog sa dami ng loads na inabot ng bisor ko..tsk!the heck indi ko na maharap ang aking social life..sumabay pa ang pag-re-reconcile ng stocks sa part time, ohhheeemmggggeee!!grabeee!hindi halata noh?!dahil panay ang labas ko, outing dito, party doon, road trip dito, mall tour doon..this is my dubai life anyway!

2009..a year of PATIENCE for me..yeah right!PATIENCE.. PATIENCE ..PATIENCE..it’s all about patience!at konting-konti na lang feeling ko, malapit nakong sumabog..well..maybe in 2010 talunin natin si 2012.. lol

The first 6 months of  2009..

>>Here comes my social life..naging active ako sa lahat ng accounts na libre sa internet, akalain mo un na-managed ko silang lahat kahit sobrang dami ng ginagawa ko, i met a lot of people..kahit anong lahi, lingwahe, kulay, amoy..keri on!gamit na gamit ang linaw ng eyeglasses at haba ng bangs!

>>Ako sa labas ng mundong parisukat..aside from gaining-losing-gaining weight again..nyahaha..

Summer fun saya..

ang mga kinabibisihang EB’s

Eb ng mga Adiks

ang Bangs at ang Hair Styles..with matching Eyeglasses.. :D

Ang Bangs..bow!

Last part of 2009..

>>After 2 years na nag-wowork ako dito sa dubai, finally..nakuha ko ung pinaka-aasam kong bakasyon!yeah!i went home for 3 weeks(na alam kong hindi sapat para magawa ko ung dapat kong gawin, para maayos ung dapat kong ayusin, i tot maayos ko talaga and then..nyahaha!lalong naging worst!)..nakita ko ung pamilya ko, family bonding.. umatend ako ng kasal, in all.. I’M HOME!

Finally!

>> Mula ng bumalik ako galing Pinas..naging bisi ako pero di ko nakakaligtaang manood ng tv at makibalita..dumating si Ondoy..Si Peping..at kung ano-ano pang bagyo..

how bout a lil help?!our way!

Giothon

>>Tha’ts it!Ayoko na elaborate ang iba..some scenes are very confidential..he!he!he!kahit ganito ako ka-gulo at kaadik..alam ko pa rin kung saan ung LIMIT.POINT.DOT.END.FINISH LINE..

to keep my hands off from the keyboard!

>>Zig zag road ang 2009 ko, madaming ups & down..but with GOD’s help, Family, Friends, and also Fans?!?nyahaha ..i’m still here..hanging on!still ROCKIN’ YER WORLD..



2010..

Are you READY!?!


signing off..

Arny..twisted..




Zig zag road ang 2009 ko, madaming ups & down..but with GOD’s help..i’m still here..hanging on!still ROCKIN’ YER WORLD..

Holiday(s)

Posted in Familia, dubai, okasyon with tags , , , on December 26, 2009 by arny

May hang over pa ata ako sa nakaraang party sa bahay, hang over po sa pagod at puyat..hindi sa inuman :D , hang saya lang ng party namin, punong-puno ng tawanan, sayawan, kantahan, kainan at inuman!with matching our version of PINOY HENYO and ARABIC HENYO!ang di nalalaos na STOP DANCE..whew..sayang talo kami sa mga yun, they got only 30 seconds!amffft!sayang ung downy at 1 liter na mantika ah!wahahaha!indi namin naiuwe!

para rin akong nasa pinas!pero syempre iba pa rin ung mismong nasa pinas ka diba?!ung kasama mo ung mga kapatid mo mag-mimisa de gallo, mag-sisindi ng paputok sa labas, sabay na kakain sa noche buena, at sabay-sabay na pag-bukas ng regalo..

Gifts


pero kahit hindi ko sila kasama, i am thankful and feel blessed, dahil pinayagan NIYA ako ulit na mag- celebrate ng  another CHRISTmas here on EARTH..

PAPA JESUS! you ROCK! \m/ HAPPY BIRTHDAY!

After the Christmas fever, gettin’ ready for the coming..

NEW YEAR CELEBRATION! and opkors ang pag-gawa ng aking new year’s resolution na sana magawa ko talaga!:p

Merry na..PASKO pa!

Posted in deepside arnie, dubai, okasyon with tags , , on December 23, 2009 by arny


Got my leave on 24..kala ko hindi ako papayagan ni bisor, wala kasi ung original boss ko, nag-gagala sa AUH :D ..i’ll be out mga ka-berks ng ilang araw din, hehehe!sasamantalahin ko na namang mag-babad sa aking malambot na kama..

3 years na akong walang pasko, i mean pasko na kasama ung mga mahal ko..(dami nila noh?!opkors!), em a labing person hindi nga lang obyus!nyahaha!malay mo kasama ka sa listahan ko..

Hindi ka pa ba sanay?tanong sa akin nga bestfriend ko doon..sabi ko AKO PA?!kelan naman ako na-homesick!paeklat lang!asus!gutom lang yan!korak!

Bisi na naman kahit naka-leave, walang puknat ang kabisihan ng skedyul ko, hindi makasingit ung mga karapat-dapat gawin tulad ng pag-pla-plancha, pag-lalaba, pag-lilinis ng bahay ng bongga!Mahagilap nyo kaya ako sa bahay?!buti na lang kahit paano eh eksyus ako sa mga inaanak ko na binilang na ata ang taong absent ako, at malamang may tubo na rin ung aginaldong hinihintay nla..aba!x3 na ang singilan plus advance ng isang taon..isama mo pa ung regalo nila tuwing birthday nila wahaha!..oh diba?sana lang kami din pwedeng mamasko..(lol)

At bago ako umalis ng panandalian o pang-matagalan sa mundong parisukat..gusto ko maging sweet naman kahit paano..

Hati-Hati na kayo dito :)

Walang dahilan para hindi matuloy ang pasko, kahit malayo sa pamilya sige lang!Kahit walang pera..wenu naman!Nasaan ka mang panig ng mundo..Mapaulan, mapabuhangin o kahit snow pa yan!

May handa man o wala..tuloy pa rin TAYO..

Tuloy ang pasko!

Let’s celebrate..

Merry Christmas to ALL!


Tsek!

Posted in Familia, dubai, eskapo with tags , , , on December 20, 2009 by arny

Pauwi nako kahapon at nakasakay sa taxi, kahit na nangungunsumi na ako sa tindi ng trafic sa may rolla, na kung mamalasin ka eh lagi na lang red light ang makikita!ampootah!kamusta naman ang pamasahe ko diba?..

pero keribels lang..
dahil enjoy na enjoy akong pakinggan..
yung bagong nakaw kong music.. :p

Biglang tumawag si macoy at tinanong kung nasan na ako, sabi ko rolla na lapit na sa haws, sasama ka ba?tanong nya ulit, saan naman?sagot sa tanong na tanong din..pupunta kami ng city center hahanap ng shoes pang-basketball..

ahem!
why do i have this feeling..
na ako ang magiging judge sa pamimili nila nyahaha :D  ..

ok weyt me na lang oberder..paliko na rin naman ung taxi..

Eksena sa Bahay:

ako: ano bang shoes un?ung nakita natin sa MOE?

nike kobe24 o yung kay lebron james?

siya: kahit ano..tignan na lang natin..

ako: owkei!

Palabas na kami ng bahay ng mapansin ni kuya nadz na pare-pareho kami ng suot na shorts at may hoodies pa..

pasok sa winter get up diba?!!nyahaha!kamusta naman!

for the love of chekered shorts and hoodies :)

..saan ba ang laban ng sayawan kuyaaaah?!

9 mornings

Posted in Familia, Pinas moment, deepside arnie, okasyon with tags , on December 15, 2009 by arny

Palamig na ng palamig ang simoy ng hangin, yay!kahit nasa gitnang silangan kami, ramdam na ramdam ko ung hanging pamilyar sa akin..

malapit na..

nalalapit na nga talaga..

At mamaya umpisa na yung..“SIMBANG GABI”  (trivia yan click mo lang)

Sino kaya ang kasama ng mga undin sa pag-punta sa simbahan?

may gumising kaya mamayang madaling araw?

mag-siligo naman kaya sila?

sino na naman kaya ang hahabulin ng aso sa kanto?

at sino naman kaya ang mag-sisimbang TABI?

sino kaya ang bibili ng bibingka pag-labas ng simbahan?ng pandesal pasalubong kay mama?

sino?sino?..

at higit sa lahat sino ung madalas bumalik sa kama pag nakauwe na? :P

nakakamiss talaga ung ganitong season sa pinas,

nakaka-homesick! :(


Wish List

Posted in deepside arnie, gadgets, okasyon with tags , , , on December 9, 2009 by arny

Ilang araw na lang PASKO na, pero gaya nung mga nakalipas na taon, malayo pa rin ako sa pamilya ko, mag-cecelebrate kasama ang malambot na kumot, unan at kama ko..walang fireworks, walang maingay na videoke, walang contest ng sayaw, walang kantyawan, walang bonggang kainan..WALA!

hindi ko nga halos marinig yung mga kantang pang christmas, pero kung nasa pinas ako malamanng ebri kanto na hihintuan ng jeep o bus o maging tricycle na sinasakyan ko, mananawa ka sa lakas ng sounds nila..Oo nga pala kahit mag-bobote sa amin may customized sound system gamit ung MP3 nila..

Hindi ko naman hinangad ng magandang regalo, kahit simpleng cellphone (sobrang simple promise) o di kaya mumurahing laptop (uo talaga mumurahin, bilib me), at dahil ang gusto kong gamit eh ung nagagamit ko pa rin kahit anong season, ok na sa akin yung  shades na nabibili sa bangketa :D , nung last na uwe ko ng pinas, naarbor yung relo ko, kaya ang epekto lagi akong late..kaya kung makikipag-date ka sa akin ngayong pasko, pwede mo ng isama yun, wag mo ng ibalot, sayang lang dahil mapupunit, isuot mo na lang muna para di obyus diba?ok na rin sa akin ung trashy type shoes, bago pero mukhang luma,tipong vintage  :D , at palibhasa malamig ngayon ok na rin yung jacket feeling ko ikaw kayakap ko naks!

Malapit na ang pasko, ayoko na sanang itulog na lang eto..

tingin mo?

wish ko lang naman yan..nyahaha

Sige na nga!

Posted in My Kind of Click, Photography, boredom attack, deepside arnie with tags , , , , on December 7, 2009 by arny

Napag-isip isip ko lang naman na hindi naman masama kung pag-tuunan ko sya ulit ng pansin, mahal ko rin naman talaga sya at alam ko na magiging masaya ako sa kanya..ilang tao na rin ung nangungumbinsi na seryosohin ko na ang bagay na yun, at madalas eh nag-dadalawang isip pa ako..aktwali hindi ako..yung bulsa ko :p

sa sobrang dami kong ginagawa(feeling ko lang), minsan eh napabayaan ko na rin sya, para bang na-“Take for granted”ang lahat lahat..napako ako sa sa upuan at harap ng calculator, nakalimutan ko sya, hindi ko naman akalain na aabot sa ganun eh..ilang buwan ko rin syang hindi inasikaso..at buti na lang nung holiday nag-balik na rin sa wisyo ang daliri ko..

sige na nga..isusuot ko na ang salamin ko..

sige na nga mag-pupuyat na ulit akong intindihin ang nakakadugong instructions na to..

sige na, babalik na ako sa pag-babasa ng tips and tricks about photography..kahit umikli pa ang bangs ko

nakaka-tsamba naman kahit paano..pero madalas FLOP ha!ha!ha!..

work + music + cafe = Lurrrvvveee

Skylines

Before editing.. 3.2MP

Skylines @ Mobile Photography

Get out from behind the computer and shoot something you’ve been dying to shoot today.

It’s easier that you’ve lead yourself to believe, it costs less than you think, and is more fun than you remember.

-Chase Jarvis


We’re Back

Posted in boredom attack, toxic, triggermind with tags , on December 5, 2009 by arny


Tapos na ang bakasyon..


balik na tayo sa opisina.. :)

Stitches and burns

Posted in deepside arnie, dubai, eskapo, okasyon, relax, triggermind with tags , , on December 1, 2009 by arny


3 day holiday, 3 araw na walang sawang nag-babad sa galaan, at higaan, minsan lang ung ganitong eksena sa gitnang silangan kaya halos lahat ng mga expat eh kanya-kanyang gimik at gigs para ma-enjoy ang bakasyon.pero bago pa syempre pumunta sa camping, i got my free New Moon Ticket, opening day yun sa buong UAE, sponsored by our dear friend TATA..12 midnight we went to GRAND BUHAIRA CINEMA, eksayted syempre at sobrang dami ng tao..whew!-buti na lang may seat number na kami..so minus hassle diba?..

my comment about NEW MOON??!?ahmm..panoorin nyo na lang :D

My Free Ticket & Magazine :D

Oha..Oha..san ka pa?!?

2 am na kami umuwe at syempre kailangan na mag-impake for the camp..hello um al quwain ang drama ng mga taga-mansura..

fishing, crabbing, namulot ng halaan, at shells.

pag-dating namin sa site, bumalandra sa amin ang isang baldeng alimasag, nang-huli na pala sila the other night, at ang masaya pa nito LUTO na sya!dahil bagong luto, ginutom lang naman kami..gumawa ng sawsawang suka na may bawang at sibuyas, habang nag-tatayo ng tent at gumagawa ng pag-ihawan ang iba..

Dala-dala ang fishing equipment(naks) kasama si kuya mark..ang aking pakner sa pamimingwit..

medyo mainit lang ng mga oras na yun at tyak iitim na naman ako at masusunog ang aking ever flawless skin hahah jowk lang pero keri pa rin minsan lang naman!may sponsor naman tayo pag-dating dyan eh, hello dra.bello..lol!

sabi ni macoy: siguro sa past life mo eh mangingisda ka, ang galing mo mamingwit eh..amfffttt!

nung mapagod akong mamamingwit namulot na lang ako ng shells at nag-tingin ng crabs na umaaligid sa batuhan, para lang pala madulas at masugatan!awwwttttss! dumulas yung tsinelas ko sa tambak ng talaba, pilit ko kasing inaabot yung shell na malaki eh kaso un nga nadulas, gumuhit sa paa ko ang hiwa, ramdam ko malaki sya, at malalim waaaaahhh teheeerrsss..

pinadugo ko ng bongga at binabad sa tubig dagat, para mabilis ang pag-tuyo, at nung medyo konting kirot na lang eh tinusok ko at pinag-tatanggal ang talim na bumaon sa paa ko, sheyyytt na malagkit ang sakit!

at dahil dyan umupo na lang ako at bumalik sa camp, nanunuod habang nag-papakasaya silang makipag-habulan sa mga alimasag!errr..

ilang oras pa nag-yaya na silang umuwe..at syempre pa mawawala ba naman ang pics of the day ko?indi rin..

Few minutes..Few Moments

marami kaming nakuha..parang nag-karoon lang naman ng

SEA FOOD FESTIVAL sa amin ng 3 araw.. :D



errrr..

Posted in annoyed, rants, toxic with tags , , on November 23, 2009 by arny

seryoso ako..

wag ka na..!


hmmkkiiiee..

Vintage Madness

Posted in koleksyon, vintage with tags , , on August 12, 2009 by arny

Windang ako kahapon, pasulpot-sulpot na parang kabute sa tambayan kaya wala akong maisip na maibanat sa mga ka-chikka at kabalahuraan ko sa plurklandia, wala sa huwisyo kumbaga kaya hindi ko naalala yung kinaadikan ni charee na bag.

vintage bag un at limited edition lang, nag-kataon namang naubusan sa ras al khaimah ng stocks, nung balikan nya UBOS na kaya kuma-cry cry si lolah..

hapon ko na ng maalala na nakita ko ang Bag na un sa ADIDAS outlet nila dito sa may buhaira, 10 minutes away lang kung sa lakaran eh hellooo..sobrang init ng panahon ngayon..as in 6 na ng gabi tirik na tirik pa rin ang araw kaya sa madaling salita nag-taxi ako at winishlalooo ko na sana MERON pa..

pag-karating ko sa adidas, hanap ko agad si jan, ung lagi kong kausap na saleslady na pinay, at nag-tanong ako kung merong ganitong klaseng bagelya..

limited

limited

limited blue

limited blue

gusto kong tumalon sa tuwa habang naka-kros finger nung makita kong pumasok si jan sa stock room..”SANA..SANA”..

hindi ko alam kung malas lang talaga pero naubusan na rin ako..nakakalungkot man na sabihin ko kay charee pero wala akong magagawa, UBOS na rin.at eto lang ang tanging nakita kong meron dun..

adidas vintage wallet

adidas vintage wallet

kung saka sakali..heto na ang regalo ko sayo..

wahaha props lang ung Mp3 hindi kasama yan..

happy burdey in advance :)

let’s parteeeeeeeehhh..it’s yer burdey..


Yabang lang

Posted in pers taym, triggermind with tags on August 13, 2009 by arny

Hindi ko alam kung anong nangyari sa dati kong bahay,  hindi ko na sya mabuksan,  pero ung buong team ko(kamay, mata, utak etc…etc.. sa pag-buo ng blog) inaalam na kung ano o sino ang may kagagawan ng lahat. kung kelan naman mag-iisang taon na..

OO malapit na syang mag-1 taon..kaya malapit na rin akong mang-hingi ng mga mumunting oras nyo ha!ha!ha!..pansamantala dito muna tayo mag-bolahan..

hindi naman pala laging malas ang aabutin ko, dahil kahit ganun ang nang-yari sa blog ko, mahal din pala nila ako..

minsan lang to at pers taym na mag-yayabang ako sa inyo..

akalain mo yun??!!

akalain mo yun??!!

napa-isip tuloy ako..

hindi nga pala dapat mawala ang composure ng isang tao, kahit halos mag-kanda-leche-leche na ang lahat ng nasa paligid mo..kailangan mo lang gawin eh, relaks..mag-isip ng tama, hindi ka dapat ma-stress o ma-toxic dahil lang sa mga hindi magandang nangyayari sayo..dahil sa isang iglap..

DARNAAAAHHH..???!!!

magiging ok din ang lahat :)

Sarah Night @WTC

Posted in concert, dubai with tags , , , on August 16, 2009 by arny

Akala ko matatapos na lang ang buong linggo ko ng kamalasan, hell week (hiniram lang ni budang ang TAG LINE na yan, ako nauna!bwahhaha)nga na matatawag eh, sunod-sunod ang pag-atake ng problema..ung mapapa-haaaaiii buhay ka na lang at mag-eemote tapos walang tigil katatanong sa sarili ng BAKIT!??!!

bakit nangyari yun?bakit ganun?bakit ganyan?bakit ako?bakit..bakit at bakit??!!wadapak na shetness ang inabot ko..ngrrrr!

at the end of the day, i found myself na sarili kong tanong, sarili ko lang din ang makakasagot, nawala sa linya ang lahat, nag-paliko-liko na parang kable..hindi kumonekta, kaya hindi gumana..in short palpak!

at ng mga panahong un, hindi ko naiwasang mag-chek-chek ng kung anik-anik sa multiply, gusto ko lang mabago ang paningin ko, maliban sa nag-sasabugang timeline sa plok!at yun nga!kita ko mag-ko-concert si SARAH GERONIMO sa WORLD TRADE CENTER..huwaaaw!ang mahal ng tiket..:( nilagay ko un sa timeline na gusto ko manood, kaso walang bala ang wallet ko, hindi ko pa natatahi mula ng mang-galing ako sa bakasyon..haiii ulit..

and then, that night! CAPT. Soren to the rescue!

si budang nag-fli-flip ng hurr..

tinawagan ako ni jaycee at tinanong ang berdei ko, sabi ko ahmm, next month pa, neweys bago mag-kabukingan ng edad, heto ang regalo nya sa akin..

tickets

tickets

ang agang pa-berdey gift naman nun!wahahaha..!kahit di nya type manood..well basta TYPE na din nya..ayoko nga mag-explain..hmp!

Tats ako in fernes..kasi kasi shet pwed mag-drama?ok fine!hindi pwede..(eyeroll)

Anyways, hindi po ako ang adik sa amin, may 2 tao po dun na nag-pipigil mag-hihiyaw lalo na ung sumayaw na si mark bautista..natatawa akong tignan sila..pigil na pigil eh..samantalang ako demure pang nag-clap-clap lang ng hands..(annoyed)

8 pm na nag-start yung concert, at unang sumalang sa stage si daisy reyes, wow!ang ganda!ang ganda ng gown nya!!promise!medyo nafangetan lang ako sa pagsayaw sayaw pero ok na rin..sabi ko naman kasi wag ng subukan eh..jowk!

malayo ung pwesto namin but then..again Capt Zoren and his friend na nakalimutan ko ang name, pinalipat kami ng VIP section oh dibaaah bongga ang mga pasaway!napapa-VIP pa!on our way nakasalubong ko si daisy reyes, sayang lang kasi di sya nakapag-papirma ng autograph sa akin..bwahahaha..nag-mamadali kasi ako, sabi nga ni ruffa mae..

Time is GOLD..not silver!

at dahil napalapit na kami sa stage..may isang ale po na  nakipag-siksikan sa dami ng tao nung bumaba si sarah sa stage, at mega sisi siya sa akin dahil mabagal daw akong kumuha ng pektursss..

Sarah Geronimo @WTC Dubai

Sarah Geronimo @WTC Dubai

ang galing nilang kumanta pareho..wish ko lang may talent din ako sa pag-kanta..

OO na WISH nga eh.. :(

mark bautista @WTC Dubai

mark bautista @WTC Dubai

kamusta naman eh kung maapakan ako??yung mag-rereact sa comment SYA un! aktwali hindi lang po ung pinag-hihimutok ng butseeeeh nila..bwahahaha..at ayaw ko po ulit mag-explain..hmp!oh yeah!

masaya yung gabing yun!kahit ako ang naging dakilang photographer..papindot-pindot na lang tayo eh..lol!

ang daming pipol

ang daming pipol

ayan may tatak na kami!

ayan may tatak na kami!

salamat nga pala kay ZOREN HAPPY BERDEY! at sa mga FRIENDS nya, sa pag-sponsor ng mga tickets namin! kuya..wag ka mag-sawa hahaha

to jaycee at dun sa dalawang pasaway..

wag mag-aadik sa patchi ha?! Power hugzzz! yeaaaah!!

power huggzz

Kwento natin ‘to

Posted in frog-eveg, lumalablayp! with tags , , on August 19, 2009 by arny

Kung ang oras at panahon noon ang dahilan kung bakit hindi man lang tayo nag-karoon ng tsansa na mag-kakilala, palagay ko sa pag-kakataong ‘to, panahon din ang gumawa ng paraan para tayo mag-kalapit sa isa’t-isa..well hindi naman talagang close as in close na close..sabihin na nating nasa stage pa rin tayo ng GETTING TO KNOW EACH OTHER OVER THERE..wow ang klasik!

Naisip ko lang, kung noon kaya ito nangyari ganito rin kaya ang feeling?yung feeling na masaya, eksayted at araw-araw eh alam mong may taong nag-hihintay sayo na makita ka, ung gugustuhin mong makilala pa, ng mas malalim,malamang hindi db?dahil mag-kaiba tayo ng ginagalawan noon, yung mga utak natin naka-sentro sa ibang bagay kahit pa sabihing napakaliit lang ng lugar na yun para sa atin, ewan ko ba kasi, masyado atang artistahin ung mga nasa paligid natin at punong-puno ng showbiz kaya hindi mo halos napapansin yung mga matang nakatingin sayo..tingin, sulyap, ngiti yun lang halos ang natatandaan ko sa muli kong pag-suyod sa mga alalang alam kong nandun ka, at kung mamalasin pa nga minsan, disgrasya pa ang inaabot pag-nagtatagpo tayong dalawa..

Marahil hindi yun ang oras, at ang tamang lugar, kaya parang pareho tayong nawala na parang bula, hindi ko alam kung anong mga pinag-daanan mo, kung anong mga bagay ang nag-bibigay lungkot sayo, kung saan ka takot, at kung anong mga dahilan ng pag-luha mo, hindi ko alam kung paano, saan at kelan..

estranghero..

ganun ka, ganun ako, ganun tayo..(ganunan nga eh paano)

 

sa bawat araw na nakikita at nakakausap kita, nalaman ko hindi pala ako manhid, hindi pala ako bulag, may pakiramdam pala ako..

mali sya..(sabay hirit ng, ako ang nag-wagi)

Namalayan ko na lang ang sarili ko na unti-unti ko ng inuumpisahan ang pag-sulat sa blangkong pahina ng buhay ko, kung paano mo ako napapatawa, kung paano ako kiligin sa mga simpleng hirit mo tulad diyalog sa pelikula, kung paano ko kabagutan ang bawat segundong wala ka, kung paano parang ang sigla-sigla ko kahit pa nangangalumata na..madami na akong nalalaman sayo, at unti-unting kong natutuklasan na sa bawat kalokohang pinag-sasabi at pinag-gagawa mo, nandun isang bahagi, ang malalim mong pag-katao..kaya wag ka na!

Dapat nga ba akong mag-pasalamat dahil walang NOON, dahil kung may noon marahil hindi ko to makikita, hindi ko to mararamdaman NGAYON,  dapat ko bang  pang-hinayangan ung mga tsansang binigay sa atin..pero hindi natin parehong pinansin..?ewan ko..siguro..

Basta ang alam ko, heto tayo..

nag-uumpisa  ng bagong kwento..naks!may ganun!

hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng kwento nating ito, ang mahalaga lang nandyan ka, nandito ako..merong TAYO..

huh?!ha?!?teka muna!

Posted in frog-eveg, lumalablayp!, triggermind with tags , , on August 23, 2009 by arny

Buong buhay ko pakiramdam ko lagi na lang akong nag-hahanap, nawawala, tinatangay ng hangin kung saan man ako dalhin, hanggang sa dumating ka,  noong una hindi ko yun pinansin baka kako isa ka lang din sa mga taong dadaan at mawawala, hindi mag-tatagal, at lumipas ang nakapahabang taon, hindi na kita nakita pa, hindi na kita nakausap hanggang sa dumating ang araw na bigla ka na lang sumulpot at nag-paramdam..

anyareh?!? Hindi ko rin alam..

Sa isang iglap!tadaaaannn..heto ka na!!

tinanong ko si jaycee kung tama ba ang gagawin ko, at kahit nasa itaas sya at sakit sa bangs tingalain, sinabi nya: ARNIE follow yer hart?huh?!? eto ung part 1

Ang bilis kasi ng lahat, para lang akong umikot sa runabout..walang trapik, walang signal, walang red light..parang hinihintay ko lang ung chance na AKO NAMAN ang raratsada sa buhay mo, with full option kasama ng puso ko, naks!at ng makita ko ang tamang daan papunta sayo, bigla akong nag-menor, kinabahan at nag-dalawang isip, tama nga ba ito? At ung mga alagad ng WHAT IF ,WHAT IF na yan biglang pumapara sa paningin ko..

teka..teka..break muna!

Nag-pa-ekis-ekis ako sa kalye dahil tulad mo,ang lahat, madami pa pala akong dapat harapin, madami pa akong dapat ayusin ng mag-isa, sana magawa kong kontrolin ang lahat, hindi ko un basta-basta matatalikuran at hayaang nakabitin sa ere, ayokong maramdaman nila ang naramdaman ko noon, ang mag-palutang-lutang sa kawalan, alam kong mahirap pero yun ang dapat.. at kung panibagong pag-hihintay ang magiging kapalit ng lahat, hindi ako mang-hihinayang, kung nakaya ko noon, bakit nga ba hindi ngayon?..

pwede naman akong rumatsada ulit diba?

sa ngayon bee aarr beee muna.. :)


Di ako si FB

Posted in frog-eveg, lumalablayp!, triggermind with tags , , on August 24, 2009 by arny

Nakita ko na nag-pop up ang yahoo ko, nakita ko ang isang mensahe na hindi ko inaasahan, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na yun, tama bang kiligin?tama bang matawa?tama bang malungkot?o tama bang tigilan na?hindi ko namalayan may gumuhit na ngiti sa aking labi..ramdam ko ang katotohan sa mga sinabi mo, ramdam ko rin ang kalituhan ng utak mo kasi ganun din ako..

madami kang tanong, marami kang pag-tataka, hindi ikaw yan gaya ng sabi mo kasi dati alam mong kontrolado mo ang lahat..

wala akong masabi, wala akong ma-i-type..at dahil blanko ang utak ko pumunta muna ako kay FB..

Usapang FB..

Isang maliit na pag-uusap ang nag-trigger sa aking kukote..here it goes :

Ako: parang ayaw pa ni FB oh

Siya: oo… halatang npilitan pa cia.. try mo nga to HOT arny bilis!!! :P (ayoko nga i-edit yan)

Ako: delikado ata ako jan ahahaha

Siya: cge na, nghahang pc ko diba, 1st attempt ko 98% tpos nghang inulit ko, lumabas 72% then hang ulit cia ayan ung huli 56%. hahahhaha nkakaloko lng. cge na gwin u bilis!!!

Ako: ayaw nya maniwala hahaha ok

at eto ang pinag-kaguluhan namin..mga results , pasensya na kung maraming bura, ginagalang ko lang ang kanilang pribadong kalokohan :P

 

unang tanong

unang tanong..OK diba?

huwaw!ang ngiti ko abot hanggang tenga..masisira ang karir ni Leonardo da vinchi nyan!  

and then..

wag kayong mag-rereact tatamaan kayong lahat sa akin..tatamaan ng kiss..hahaha

 

pangalawang tanong

pangalawang tanong..sabi ko nga WAK NA AKO

At tulad ng sabi ni yerbua..kontra bulate na naman si FB..alamo ung feeling na pasasayahin ka muna sa umpisa at in the end bibiguin ka..pang-asar lang diba?

pero sabi nga nila ulit..di mo malalaman kung di mo susubukan, i take mo yung risk para makita mo kung hanggang saan ang tibay ng dibdib mo..hahayaan ko na lang na sila ang humusga..tatawa na lang ako.

apekted much kay FB?apekted yer feiz!

noong medyo nakapag-relaks-relaks ang utak ko, binalikan ko ang sulat mo..

hindi ko alam kung anong tamang salita para maging ok ang lahat, kung anong tamang sagot sa mga tanong mo dahil hindi ito tulad ni FB na ganun lang kadali , click click lang at makikita mo na agad ang mga resulta, hindi ito computer generated na madadaya..

 It will take a lifetime to prove kung ano man ang meron tayo ngayon..at hindi yun mabibilang ng numero, ng araw, buwan o taon..whatever it is..

still It’s a BLESSING :)

wag ka mag-react sasapakin kita..at oo gutom na ako :P



 

 

 

Nasaan ka?!

Posted in dubai, triggermind with tags , , on August 26, 2009 by arny

Noong una nag-dadalawang isip pako kung kakausapin kita, pano naman kasi ang daming paparazzi sa paligid ng bahay kubo ko, mga lurker na para bang lahat na lang ng gawin ko eh mali, pero nasunod pa rin ung instinct ko, baka nga naman hindi ka kagaya nila, mapang-husga..

Dumaan ang maraming buwan naging normal naman ang lahat, araw-araw walang pinagbago, di kagaya ng taas baba ng presyo ng gasoline sa pilipinas, ang dollar rate na inaasam ng iba na pumalo ulit ng singkwenta. At nalaman ko, iba ka nga sa kanila.

Naabot mo ung huling ugat ng puso ko, pinakilala ang tunay na ikaw at heto tayo, close na parang hindi, nag-kakaintindihan, kahit pagewang gewang..

Hanggang sa mawala ka bigla. Nasaan ka ba?kainis ka alam mo un!

Nakakamiss ka..

nakakamiss ka rin pala.. ung makita ko at maramdaman ung presensya mo sa sabog kong mundo, hindi ako adik pero hinahanap-hanap ko, kung paano tayo mag-tawanan, mag-kulitan, at minsan katelebabad pa kita sa telepono, keber naman sa bill na babayaran ng kumpanya nyo, minsan lang naman un, di palagi, dahil kung palagi malamang adik ka na rin sa boses ko..

Namimiss ko lang kung paano kita kulitin, asarin, gamitan ng mga pamatay na hirit, kung paano mo ako kausapin ng di ka napipikon, at kung paano kita sagutin ng medyo maayos pero lamang yung hindi..at the end parang all wits end ang itchura mo tulad ng emoticon sa way em..

Isang buwan ka ng wala, pabalik-balik pa rin ako at araw araw sinasabi ko sa sarili ko na sana nandyan ka na ulit..

para muli tatawa na naman tayo..

hinahanap-hanap kita..

hinahanap-hanap kita..

Baybay Na!

Posted in deepside arnie, frog-eveg, triggermind with tags , , on August 28, 2009 by arny

It’s YOU..

yes YOU!bigla kang nag-disappear sa sirkulo ng buhay ko, walang pali-paliwanag tulad ng bulang nag-lalaho..gusto kitang tanungin, anyareh sa atin?..pero huli na wala ka na..

Mahirap kang kalimutan alamo ba? araw-gabi pabalik-balik ka sa aking isipan, hindi ka man lang napagod at hinayaan na ako’y maging masaya naman, pinupunit mo ang puso ko tulad ng isang papel, wala akong nagawa kundi tanggapin na sa bawat segundong lilipas na wala ka, bawat segundo rin ang kamatayan nya..

Nag-liwaliw ako, para kahit paano makalimot sa dinanas ko at hindi ako nabigo, nahanap ko ang sarili ko sa mundong tulad nito, na malaya kong masabi ang lahat, ang pait ng pag-kabigo, ang tamis ng tagumpay, ang takot na mag-isa, ang saya ng may kasama..kung paano ang simpleng pag-lalakbay ko sa disyerto nagiging makulay..hanggang sa unti-unti, napapawi ang sakit, gumagaling ang sugat.

Nang muli akong naging masaya, ng muli kong matutunan ang pag-ngiti at pag-tawa, ng muling makita ng madla kung anong kaya kong gawin, ng muling may maniwala sa kakayahan ko.. bigla kang susulpot na parang kabute sa eksena..bigla kang mag-paparamdam, mag-tatanong ng kung anong ANIK-ANIK sa buhay ko..errr..

tinanong kita.. anyareh sayo ha?!? kasi..kasi..echuzzz!

Mabilis lang ang oras, isang kisap-mata tapos na ang lahat, wala ka ng magagawa para ibalik pa ang nakalipas..Nalaman ko na dito sa mundo parang lagi ka lang mag-papatuloy, kahit hindi ka BUO kahit ung isang parte ng pag-katao mo eh kulang..

GO lang ng GO..

kahit walang YOU..

 

 

Zambales Tour

Posted in Pinas moment, relax with tags , on August 31, 2009 by arny

Sabi nila ordinaryong bag packer lang kami ung tipong gala lang sa kung saan-saang MALLS, pero MALI sila, mas gusto namin ung may nadidiscover kami, nature trip madalas, kakasawa din naman kasi kapiling ung ma-techy na mundo diba?nakakatoxic yun!

Masaya ung minsan eh makasama mo naman si MOTHER NATURE..

kakaibang experience..kakaiba pa ang feeling..

Then.. naalala ko may mga pekchures pa palang hindi ko na-aayos, hindi naman po siguro iba sa inyo na mahilig akong pumindot ng camera, minsan kahit walang anggulo, sige lang click ng click baka maka-tsamba diba?

Uunahan ko na kayo, papindot-pindot lang po ako! kaya pag-pasensyahan nyo na ang ilan sa mga shots na makikita nyo..para close!

Noong bakasyon ko pa last july, hindi naman ako nalulungkot kung di kami natuloy noon sa boracay dahil sa sunod-sunod na bagyo na dumating.Sa totoo lang di naman namin kailangan lumayo..

ilang minuto lang eto na makikita namin..

isang tagong paraiso..

Old Bridge

Old Bridge

hindi ko pwedeng kalimutan ang tulay na to kung saan ako sumemplang kasama ang mahal ko na si khzr..

Unang click sa camera ni SAMI

Unang click sa camera ni SAMI

Sakto namang sumisikat si haring araw ng mag-hanap kami ng pwedeng pag-tambayan..

Punta de Uian, San Antonio Zambales

Punta de Uian, San Antonio Zambales

sino ba naman ang makakatanggi kung ganito kaganda ang makikita mo diba?

Hindi na namin nagawang pumunta pa sa isla dahil ilang oras lang umulan na naman ng bongga, well ok lang tama na ung naranasan ko ulit kung paano at gaano kasarap kasama si Inang Kalikasan, kung anong pakiramdam na masaksihan ung kakaibang ganda na sinasayang lang ng ilan..(buti na lang may peksyur..may ebidins)



Berdey Pansayn

Posted in deepside arnie, okasyon, triggermind with tags on September 2, 2009 by arny

Ilang araw na lang..mag-sisindi na naman sya ng kandila, kandilang tinago pa nya last year, isang pasaway sa internet world at maging sa tunay na buhay.. isang mabait na adik, nakakahilong kausap, pero sa totoo lang lab lab nya kayong lahat..

Si twisted, si khzr, si arnie, si nie, si nitay,..

your fren oberder..yer call..

This is yer chance mga ka-blog, ka-plok, ka-friendster, ka-facebook,ka-tumbling, ka-way-em, ka-multiply at kung saan saang website ako may account, hihingi lang ako ng gift, hindi materyal na bagay, ayoko nun, krisis kaya ngayon! minsan lang to mang-yayari sa loob ng isang taon, alam ko namang lab nyo akong lahat at kung hindi pa, mahalin nyo na ako, kundi ipapa-kidnap ko kayo sa mga goons ni joyo!

Berdey greetings / Pansayn..bahala na kayo..tulad nito..

chre

chre - ang turkish kopi!


iwan po kayo ng Link ha?Tenchuuuu..Lablab ko kayo! :)

Sulat-KAMAY

Posted in deepside arnie, triggermind, vintage with tags , , , on September 5, 2009 by arny

Hawak hawak ko ang hindi gaanong kabanguhang stationary na nabili ko sa supermarket, Di ko alam kung anong dapat kong isulat, kung saan ako mag-uumpisa, kaya lumabas muna ako ng bahay, suminghot ng hangin at nag-pakasawang makinig sa mp3 habang pa-sway-sway sa duyan. Ano nga ba?ano nga ba?paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko, tamang puyat na naman kasi ako..amp!

Hanggang sa mapakinggan ko ung kanta ng moonstar 88 SULAT, anyareh?bigla akong natawa, madami kasi akong naalala sa kantang yan, during hayskul days..

haiii labers-labers..mga lumalabislayp..

usong-uso ung labisletter na yan, may iniiwan sa upuan, may iniipit sa libro, may pinapaabot sa kaibigan, karamihan naman kasi sa mga kaklase ko nung hayskul pamatay ang beauty…un nga lang may pag-ka nerd ang mga lolah ko..at syempre pa ako ang dakilang taga-gawa ng sulat..un oh!.

hindi ko  rin makakalimutan kung paano ako kumita sa pag-gawa ng project gamit ang sulat kamay ko, at ung  pag-gawa ng love letter, syempre ung pamatay na banat eh diskarte nyo na yun, hindi ko naman kasi alam kung anong na-fefeel nyo sa mga kras nyo noh..well kung gusto nyo naman na-ifeel ko, ibang usapan na yun, dagdag talent fee kumbaga..dahil kailangan ko pang hugutin sa kahuli-hulihang ugat ng puso ko ung mga salitang gagamitin ko, mahirap kaya yun!mas madali kung kokopyahin ko lang pero kung medyo close tayo eh libre ko na lang yun sa inyo..buhay na buhay pa nga ung t-shirt na nabili ko sa kinita ko..

so binalikan ko ang memories?OO naman!maswerte lang  ako dahil nanenegosyo ko ung binigay sa akin ha!ha!ha!jowk..

At heto nga, after 3 years muli akong haharap, muling susulat, kakalabanin ko na naman ang stationary, bubuhusan ng pabango..mag-iisip, hahalukayin ang emosyong nagtago pansamantala, matatanggal ng kalawang sa utak, libre to walang bayad!ano kayang pwedeng ilagay ung pwedeng balik-balikan ung sulat, hindi pinag-sasawaang basahin..tapos ung makakabasa tamang praning na mangingiti sa kilig..paano kaya?paano?yes!tell me my fren..

lagyan ko kaya ng drawing?di naman mag-mukhang scratch paper noh?

lagyan ko kaya ng PS?

ung tulad ng mga ibig sabihin ng J-A-P-A-N..wow klasik na klasik!

hmnnn..bahala na..ilabas ang dapat ilabas..

bakit di na lang e-mail?!?eh gusto ko eh bakit ba..!

basta eto lang masasabi ko..panget man o kasing ganda ng pirma ni Ninoy ang sulat kamay mo, hindi yun ang mahalaga..ang importante ung laman at sinseridad na makikita sa sulat..dahil sa bawat himay ng letra sa papel, umuukit un sa puso ng makakabasa..


japan-japan anyareh?!

miss ko yung tulad nito oh!

walang halong bola..nakakamis din kasing mag-sulat at pumunta sa post office diba?..

Buddy Poke

Posted in boredom attack with tags , , on September 7, 2009 by arny

Monday na monday at wala na naman kaming magawa, bukod sa inaantay ko pa rin ung punyemas na pag-pirma ng boss kong kulay anay sa cheke, sumabog pa ung official tambayan ng mga PASAWAY sa NET WORLD..hanggang net lang po ung pagiging pasaway ko promise!dun lang nakakapag-hasik ng lagim bwahaha(tawang demonyo) pero matino po ako sa personal, hindi ako mahilig kumaway..jowk..

Wala kaming buzz o dingdong na marinig, o ung simpleng blink-blink lang na may nag-reply sa thread mo, pang-asar kasi tong si PB, mark all as read lagi, so ang nangyari..HULAAN Blues, pindot..F5..F5..hanggang mag-sawa..(annoyed)

Naalala ko may multiply pala ako, nag-check ako ng account, bago tuluyang mabulok mula nung huling post ko ng mga walang wentang litrato..huwaaaw!kamusta naman un!parang FB na rin ah..pwede ng mag-chat!yipeee!!ok na kahit ma-blocked ng tuluyan ang yahoo na yan!bwahaha makakalusot pa rin naman..basta adik..walastik! then naki-pag-chat chat ako sa mga ka-multiply ko, asar ako kay boss, ng dahil sa kanya na withered ang tomatoes ko sa farmville, nag-iinarte kasi eh, pirma lang naman ayaw pa!ano ka artista..hmp!

kausap ko si canky, di daw nya maupload ang piktyurs gamit ang uploader ng multiply, nag-iinarte din?(unsyeeerr) then she told me about this BUDDY POKE..ung una tamang paasa na naman si FB sa akin, ayaw akong papasukin sa POKE world na yan!errr..hirap ligawan!pero dahil sa tyaga, ayun!nakuha ko rin ang matamis nyang YEHEEEESSS!!(cheeeeheeerrrsss)

ang kyut ng buddy ko promise!!!tawang malandi..ahihihihi!

It's me..parpol!

It's me..parpol!

ang umapela..inggeterang FROG lang un..bwahahaha..

Evil Plan with Canky

Evil Plan with Canky

Pinalo nya kasi ako sa pwet eh..it’s my TURN!

Jamming with JEMskie

Jamming with JEMskie

sa totoo lang gusto ko matuto mag-gitara..frustration ko yan ha!ha!ha!

ROCK EN ROLL

Ang malanding Sayaw ni Arney at Jemskie

Ang malanding Sayaw ni Arney at Jemskie

eto yung TALENT na meron ako..wahahaha..Bilbil dancing

Mawawala ba ang kinaadikan kong Headset?!?

Mawawala ba ang kinaadikan kong Headset?!?

ayun oh!gusto ko sana I-poke si PB mukhang na-stroke na sa pag-a-update eh..

ang kyut noh?!TRY nyo..



Huway Me(Strike 2)

Posted in deepside arnie, toxic, triggermind with tags , , on September 9, 2009 by arny

Eksayted nakong ibalita sa kanya ang lahat, alam mo ung feeling na dumadagundong ang tibok ng puso mo sa sobrang saya, dahil sa wakas eh mapapangiti mo na naman sya ng bongga, un bang masasabi na lang nya na “wow!thank you!i’m so tats! wala akong masabi”with matching powerhugzz and teary eye pa..gusto ko makita ung ganung reaksyon nya, para malaman nya na..

HUY HETO AKO..MAHAL KITA..

ilang oras ang inantay ko, ilang segundo pa, malapit na malapit na..ready na nga ang kamay ko sa pag-pindot ng punyemas na telepono, hindi na ako mapakali, hindi na ako mag-kanda-ugaga sa pag-iisip ng pambungad na HELLLOOOOO..kamusta naaaahh!yun simpleng kalandian na madalas kong gawin o ung tamang pag-papa-kyut lang :P ,

Para lang pala..Umasa..wasak!

Nasaktan ako, naiinis..naiiyak..

At heto tamang praning na namang umemote sa kangkungan ni mang danny, paduyan-duyan sa kalagitnaan ng hating-gabi..huwaaaay me!!!!again??strike 2 na to!todong-todo na!sagad na sagad na..

haiii buhay..kakapagod na mag-isip!kakasawa.. :(

So HELP ME PAPA J..sino ba pwedeng mayayang mag-kape jan?!?


Over the Cup

Posted in deepside arnie, pers taym with tags , , , on September 14, 2009 by arny

Ang hirap talaga mag-kunyaring OK kasi alam mo sa sarili mo na HINDI ka ok, ung tatawa ka lang para mapakita mo na yer fine at hindi sila mag-alala, kahit sa loob-loob ng kalamnan mo eh gusto mo na mag-huhumiyaw at mag-iiyak..kahit gaano mo yun itago sa iba, lalabas at lalabas pa rin ung emosyong umaapaw at hindi na kayang dayain pa..

I’m not feeling well talaga eh, heavy pare!hindi na kilo ang binigay sa akin, kundi tone-tonelada na, so i make plag-plag sa blag about the kape thingy,hindi naman masamang humugot ng powers dun diba?!

Stat ng adiks: walang tanong-tanong..GO GO GO.. :P

pers taym naming mag-kapeng 3, kahit di pwede sa akin ang kapeng yan, kerey lang..ha!ha!ha!pers taym ko ulit makikita at makakahalubilo ung 2..kulang kami ng 1 dahil bisi sa buhay normal nya..haii maria maria nasaan ka na?!? :(

aktwali ako ang dapat mag-eemote,mag-lalabas ng masamang hangin sa katawan pero  siguro dahil sa epekto ng kfc at mashed patata na tinira, nawala ako sa wisyo, nag-fly-fly ang emotion at di na nag-balik!well gutom lang pala ako..yun un eh!ha!ha!ha!

but then again!back to the serious mode, masyadong malalim ang usapan namin na kahit ako or ako lang ba eh malunod na sa mga pinag-sasabi nila ung mapapa-HUWAAT!!?!??takte bat ganun na?!?it’s sooo complicated my pren! natameme ako, walang masabi, walang matanong, ung eyeballs ko palipat-lipat na parang nanonood ng laban ni maria sharapova..para akong reporter ng mga oras na yun, wala nga lang notes na dala, nakikinig with matching head bangi’n sa tabi ng dingding..yaaay!!

matapos ang umaatikabong eksena at tawanan dahil sa mga pinag-gagawa naming kalokohan, hinawakan ko ang mug ng kape, mainit tulad ng moment kanina, ng tikman ko, matamis tulad ng tamis ng tawanan matapos mailabas ang masamang hangin sa dibdib, sakto ang timpla tulad ng dalawang adik na kasama ko at pagkatapos ang sarap sa pakiramdam nakaka-relax, nakakawala ng stress..dahil alam mo may nakikinig, may dadamay sa emote mong di mawari..

One more Round?!?hindi na uwian na eh..

Caramel Corretto

Caramel Corretto

we talked, we laugh over the cup..

Na-realized ko lang : In One single shot, less sugar pwede ka palang mag-freak out?

Keri lang..masarap pa rin naman :)

EB @ Burjuman

Posted in dubai, okasyon with tags , , on September 23, 2009 by arny

Dulo sa dulo ang lugar namin, kumbaga no chance na mag-kita lagi so we decided na mag-meet halfway..naks!yun oh!

Last thursday!muntikan pang hindi matuloy ang lakad namin, pang-asar lang kasi ang daming nag-iinarte..OO at OO lang naman un eh..ok hindi po ako galit or hayblad nag-eexplain lang..ehehe behave po ako :) ..

so sad my fren, txt pako kay chre na next time na lang kami mag-kita-kita, dahil ang gugulo nila..and then nung malapit na ang uwian kung kelan annoyed na ang lahat ng tao at puro eyeroll na lang ang makikita sa timeline ko..shoot!

NATULOY DIN ANG LAKAD!

eksayted ako kasi after ko bumalik ng dubai, ngayon ko lang ulit makikita si toyz, si bojoy after 1 month muling nag-paramdam, kahit lagi nya reject ang calls ko, si jean oh well, katelebabad pa rin, at syempre makikita ko si MY FREN OBERDER for the pers time!ung araw-araw ko kakulitan sa kakesohan nya, ung mahilig mang-wasak ng moments at ung laging withered ang farm..yeeebbbaaaahh!*cheers*

Ang effort ni my fren kasi 2 hrs ang byahe nya from abu dhabi, kamusta naman un?!anywaysssss..salamat!wahaha!sana napasabog namin ang gabing un ng puro kalokohan!kahit wala si budang!na nag-maganda sa ibang alapaap..sa totoo lang blessing un por you.. ha!ha!ha!


Plurkey Day

Plurkey day with my fren oberder

Nag-tusukan pa sila ng mata nyan ha!?

Nag-tusukan pa sila ng mata nyan ha!?

Direk!tapos na po ang shooting!

Direk!tapos na po ang shooting!

Alamo ung Tamang kulit + samahan ng pag-ka-adik?!?

Kami un eh..ang mga PLURKER.. :)

3 Araw

Posted in okasyon, relax, triggermind with tags , on September 19, 2009 by arny

3 araw akong mawawala sa ma-techy na mundo, keber muna si karma at si PB, stop muna ang pag-papasabog ng timeline, hayaan muna si FB at ang FARMVILLE na mabulok, bisi ako..bisi sa sarili ko..may hahanapin ako na sana makita ko na..para happy di ba?!?

3 araw na walang trabaho, mapapahinga ko rin sa wakas ang ilong at utak ko ,time out muna sa pag-tatabas ng kable, pero mamimiss ko rin kahit paano ang mag-pipipindot sa maalikabok kong keyboard, ang pag-tutok sa flat screen na monitor ko, kung paano emeskapo pag nandito ang mabantot kong bisor..

3 araw na bakasyon..pwede na to para maiba naman ang atmosphere na kinababagutan ko, suminghot ng hangin malayo sa  toxic na mundo ng trabaho..refreshing moment..time to chill!

3 araw..haybeneyt muna tayo!


Eid Mubarak sa mga kapatid nating muslim ol ober da world!

I shall return fellah..

lablab ko kayo! (heart_beat)



Single ako

Posted in boredom attack, dubai, triggermind with tags , , on September 24, 2009 by arny

Ano kayang dapat mong maramdaman kung ung kausap mo eh, halos ipag-diinang SINGLE sya, matatawa ka kaya?, makokompyus?o ung tamang bastos lang na halllleerrr wenu naman ngayon diba?!?

Habang abala ko sa pag-iisteypol ng mga resibo at voucher sa part time, biglang nag-ring-ring ang antigo kong telepono, huwaw!si broysia pala nag-return col, tama lang naman un, nag-sawa na kaya akong makinig at mag-antay na sagutin nya ang tawag ko..

Insert malanding hello ni broysia!arneeeyyyy!!!anyareh?!?ikaw ung tumawag noh?!?

Anyareh yer feiz!bat di mo sinagot?!? sabi ko

Eh kasi nasa bag kong ung telepono ko..hmkkieee (annoyed)

Tampo ako sau..ang tagal ko na kayang tinatanong kung sino un..buti pa si ano..sinabi mo..

ah eh close tayo?!?haha!jowk!(unsyeerr)

Baka naman kasi nag-tanong ka nataong tamang bangag pako sa puyat..

Ok fine!basta tampo ako sau..

Uy teka nga pala may kakausap daw sayo..

Sino?!?eto oh..

Broysia 2: kamusta?!?single ako.(feeling close?)

Ako: ok lang, ikaw kamusta?eto ba si..toooooooooooot..(bawal i-declare ang namesung)

Broysia 2: Oo, ako si toooot..ok lang din, single ako(ulit)

Ako: insert hahaha..oo na single ka , taken nako eh..

Broysia 2: ah, ganun?single ako..(pangatlo)

Ako: uy lapit na pala beerdey mo, happy beerday ha?!

Broysia 2: Oo salamat, salamat, single ako(pang-apat)

Umeksena si broysia 1 sa likod : mag-ka beerdey kayo nyan!

Broysia 2: uy happy beerdey din sayo!single ako(pang-lima)

Ako: salamat din!pakisabi na lang kay broysia ung handa ko ihanda na lang nya..

Broysia 2: insert tawa..broysia 1 ung handa daw nya, sige sige, eto na pala sya oh..single ako(pang-anim)

Kamusta naman ang single na un?!?masyado atang inabuso ang single na word..di naman sya tamang parinig lang noh..?!hmmmn. I smell something fishy my pren!umaatake ang aking salamin,,kumukunot ang aking kilay, at napapa-straight ang aking bangs..

Hindi mo man aminin sa akin, or kahit itanggi mo pa ng soooo bongga..

I know, and I know right..gumigigols ka na naman, twinkol-twinkol na naman ang mata mo, nag-fli-flip ang hair..ung sabihin ko nga lang na uyyyyyy yiiihhh…napapataas na ang paa mo eh..

at wag ka na..OO single nga SYA! :p

Eh Beerdeei ko

Posted in deepside arnie, dubai, okasyon with tags , , , , on September 26, 2009 by arny

Hindi ako nag-cecelebrate ng birthday, pero hindi ko nakakalimutan mag-pasalamat kay PAPA J lalo na at hinayaan nyang mag-liwaliw muna ako sa mundong ibabaw..ng ganito kahabang taon(may berdey ako pero ala ako age..kaya WAG NA KAYO!)

sa mga taong bumati at patuloy na babati..MARAMING SALAMAT :) , sa FAMILY ko, sa mga FRIENDS ma-pa-net man yan, fs, myspace,multiply, ploks, twitter, fb,tumblr, blog word, mysoju, crunchyroll, you tube etc..etc.. mga bikers sa zambales, surfers, kapit-bahay, mga nag-text, nag-pahatid ng message, nambulahaw sa madaling araw na caller, nag-palobat sa cellphone ko, naki-party sa little ceasars, at mga pa-sekretong bumati..kay wellong salamat sa disc at sa remix na pang- party! !pwede na ako mag-laro ulit ng litrato!kay bloom na kinantahan pko!yer da babe!nyahaha! eto po ung link click click

LAB LAB ko kayo!

FB, FS, MULTIPLY, etc..accounts sa NET

FB, FS, MULTIPLY, etc..accounts sa NET

eto ung mga pamatay :

from BATOPIK..labyah!

from BATOPIK..labyah!


chareeh \m/

chareeh m/

Manang-mana sa kanya! :)

Manang-mana sa kanya! :)


my fren oberder chre :)

my fren oberder chre :)

di kami adik promise! :P

di kami adik promise! :P

si pink ng thailand :)

si pink ng thailand :)

wuhoooo!!!ang talent nila!

wuhoooo!!!Tutssss!

Jem works!

Jem works!

budangskie..one round knock out agad!

budangskie..one round knock out agad!

wellongskie..olrayt!

wellongskie..olrayt!

joyo ^__^

joyo ^__^

i-update ko pa to..pwede pa kayo gumawa ng greetings :)

more LOVE..PEACE..and blessings..happy beerdey to me, ngayon ko lang binati sarili ko..

more twist on yer world!..\m/ rak en rol!


Help Ondoy’s Victim

Posted in Pinas moment with tags , , , on September 29, 2009 by arny

Wag tularan ang mga PULITIKO..

Tama ng ka-eklatan..

tumulong na lang tayo..

Kilos na kailangan ng

PILIPINAS ANG TULONG MO!!

Tel:#

+632.8336.992 (+632.833OWWA)
+632.5516.641
+632.8917.601 – 24

SMS/TXT
+63917.898.6992 (+63917.TXT.OWWA)

Globe HOTLINE 2917
Press 3 for OWWA

E-mail
opcenter@owwa.gov.ph

Fax #
+632.891.7601
+632.551.6651


clicks:

ABS-CBN Sagip Kapamilya
Hotline: (02) 413 2667, (02) 416 03-87
Center: No. 13 Examiner St., Quezon City

www.abs-cbn.com/

PHILIPPINE EMBASSY

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

Basta lang

Posted in Fankorner, triggermind with tags , , on September 30, 2009 by arny

May mga panahong basta alam mo lang kailangan na talagang magpaalam. Pwedeng dahil gusto mo, o kaya nararamdaman mong gusto niya, o di kaya basta lang alam mo kailangan na.

Basta lang alam mo wala ka nang magagawa.

Pinakamadali kapag ikaw ang may gustong umalis. Mag-pakahipokrita ka man na ayaw mo makasakit ng damdamin ng ibang tao, alam mong wala ka naman talagang pakialam. Dahil talagang ayaw mo na, kahit ano pang pagmamakaawa sa ‘yo, wala nang makakapagbago ng isip mo.

Sabi nga nila,

kapag ayaw maraming dahilan,

kapag gusto maraming paraan.

At sapagkat nakapagdesisyon ka na, walang kung ano pa mang dahilan ang maibibigay sa’yo para mabago ang isip mo.

Malas mo kung ang dahilan kung bakit naisip mong tapusin na ang lahat ay dahil sa pagkakaintindi mo, ayaw na niya. Kung hindi man napapraning ka lang kaya uunahan mo na siya o naniniwala ka lang talagang hinihintay lang niyang ikaw na ang magtapos ng lahat, mas malas ka pa rin. Ganun talaga e. Kung baga, hindi mo naman talaga gusto. Napilitan ka lang. Pwedeng kulang ka lang talaga sa tiwala sa sarili mo o kaya sadyang martir ka lang. Kung ano man sa dalawa, talo ka pa rin.

Pero wala nang mas sasaklap pa sa paalamang wala namang may gusto. Yung bali-baliktarin mo man ang mundo e dun din naman hahantong ang lahat. Wala nang ibang maaaring gawin kundi yun na nga.

Magpaalam.

Masakit, mahirap tanggapin, pero kailangan.

Nakakainis kasi sa ganitong sitwasyon, dapat matatag ka. Pero ang tangi mo namang naiisip, pano ka naman magiging matatag kung kukunin naman sa ‘yo ang tanging nagbibigay sa’yo ng lakas ng loob para harapin ang kahit ano man? Ngunit dahil tulad nga ng paulit-ulit kong sinasabi, wala ka nang magagawa. Kaya magkukunwari ka na lang na okey lang ang lahat, magbibitiw ka ng mga salitang puno ng pangarap sa pag-asa ng pagsasama sa panahong hindi mo naman makita sa hinaharap. Ngingiti ka at magpapaalam.

Ah, binabawi ko ang sinabi ko kanina. Hindi pa pala yung huling yon ang pinakamasaklap. May mas grabe pa dun. At ito ang pinakaayaw kong mangyari sa ‘kin magpakailanman na parang kahit anong gawin ko e tadhana ko na ‘ata.

Ito yung bigla mo na lang napansin,

wala na pala..

Ni hindi mo man lang namalayan, hindi mo alam kung bakit, basta lang tapos na ang lahat. Hindi ka man lang nakapagpaalam. Hindi mo tuloy alam kung anong gagawin mo.

Mangunguna ka na ba?

Eh pa’no kung pwede naman palang huwag muna e di pinatay mo na ang kung ano mang pag-asang maipagpatuloy pa ang lahat? Kapag naman wala kang ginawa at tuluyan na ngang nawala kung ano man yun, eh di ang lungkot nga kasi ni hindi ka man lang nakapagpaalam, nakapagpasalamat man lang sa panandaliang sayang idinulot ng inyong pagsasama. Ang hirap din namang maghintay lang basta, ano bang alam mo kung may inaantay ka nga talaga o nag-papakatanga ka lang?

Alam ko namang hindi talaga maiiwasang minsan sa buhay mo, masasaktan ka, maiiwan, mapapaasa. At alam ko ring mahirap magpaalam.

Pakshet,

syempre naman alam kong mahirap mag-paalam..

Pero bilang paggunita man lang sa munting kung ano mang maaaring mamagitan sa dalawang tao, sana naman kung sakaling humantong na nga ang wakas, magsabi ka man lang.

Kung ito na nga yun,

Huy!mag-paalam ka naman..

Ps. galing to sa isang masugid kong fans..(ninjaaah)


Ok lang ako

Posted in deepside arnie, triggermind with tags , , , on October 4, 2009 by arny

Kamusta?Ok ka lang ba?

OO ok lang..

kadalasang gasgas na tanong at sagot natin, lalo na kung may mga bagay na ayaw nating pag-usapan, ayaw kasi nating mawasak ung moment na OK ka..at hindi mo naiisip ung mga bagay na nag-bibigay ng dahilan para hindi ka maging OK..

haiissst!anyareh?mahirap kasi..lalo na sa sitwasyong kailangan mo mamili, at kailangan mong may bitawan..para maging ok ang wadapak na  world..

ok sila..ok ka lang ba?selfish bang matatawag un?hindi rin..siguro!

ipaglaban mo kung MAHAL mo..pwede!

pero paano kung kailangan na ngang bitawan?matitiis mo bang may mapahamak pa dahil lang sa punyemas na pagmamahal na yan?

TORN..

kinakamusta ko ang sarili ko..nakukulitan na yata sa akin..eto ung pinakamahirap kalaban..ung sarili..

kamusta ka na arnie..

ok lang ako.. :(

Sana nga ok ka lang..at

sana makumbinsi ko rin na OK nga lang sya..

pero sige..alam ko naman na choice ko pa rin ang mag-bibigay ng reason para maging OK ako(sana)..at maging ok sila..

khzr mamimiss kita!

FYI:

si khzr po ang aking pinakamamahal na motor..





Tomats

Posted in annoyed, boredom attack, deepside arnie, rants, triggermind with tags , on October 6, 2009 by arny

Psst!ikaw!oo!ikaw nga!wala ka rin bang magawa?kasi ako wala talaga eh..

kaya eto patambay-tambay sa mga social networks, tulad nito bago..

click mo ako..wag ka na mahiya noh!

pamatay boredom, kahit dun man lang malaspag ko ang usage ng internet namin nyahaha(evilgrin)habang nag-aantay mag-uwian..nakakasuka rin kaya ung paulit-ulit mong gawain, para kang ngumuya ng babol gam kahapon na nginuya mo ulit ngayon at ngunguyain mo pa sa susunod..di naman siguro masama kung minsan eh umeskapo ka muna sa ganyang klaseng pamumuhay diba?

isa pa nakakatamad mag-sipag ngayon, ung bang mag-pakitang gilas sa bisor mo at sa kumpanya, bakit?!?kahit anong klaseng pag-papakadalubhasa ang gawin mo sa trabaho hindi ka naman binabayaran ng tama..

KRISIS..KRISIS..wat to do..lagi nilang dahilan ung GLOBAL CRISIS na yan..

eh kamusta naman un?sana pwede ring dahilan yan sa pag-bili ng pag-kain, pambayad sa renta at pamasahe sa taxi..

sana pwedeng sabihin na I’m sorry my friend GLOBAL CRISIS eh..duh!

oo gutom lang to :(

makain mo kaya to?!

makain mo kaya to?!

Giothon

Posted in deepside arnie, triggermind with tags , , , on October 11, 2009 by arny

Hakbang Dubai..Hakbang Buhay..

Al Safa Park Dubai, UAE

Oct0ber 9,2009

Isang simpleng handog tulong para sa mga kababayan nating nasalanta..hindi talaga kumukupas ang ating pagiging makabayan, kahit na napakaraming kurimaw sa gobyerno..

Sabi nga..may mga paraan kung nais gawin ang isang bagay, pwedeng gawin mo sa tahimik na paraan ang pagtulong sa kapwa..at pwede mo ring idaan sa ingay ng mikropono at dalhin eto sa kalye..un bang makibaka?!?wag matakot..ehehe..bahala ka kung anong trip mo..

Kanya-kanyang trip lang yan..at ito ang trip namin..

GIOTHON..WALK for a cause..

Simpleng Handog

Simpleng Handog ng mga Pasaway

We care

We walk

We Care

We Care

We jump

We jump..

We Love and We are PROUD!

We Love..

we are PROUD..

news? eto click mo :

GULF NEWS

Khaleej Times

Uhmmnkiieeehh

Posted in boredom attack, dubai, triggermind with tags , , on October 13, 2009 by arny

Hinahanap ko ang mood ko, nawawala na naman sya, ang hirap lang kasi pag-ganitong nasa NORMAL stage ako, nag-lolobat lahat ng resistensya ng mga ugat-ugat ko sa jutaks, para lang robot na na-program sa kung anong dapat gawin at kung paano gumalaw, ayaw ko nito, nakakasuka maging normal..

Yes I tell you ika nga ng mga itik at ipis dito sa opisina, samahan pa ng anay..nakakatoxic. hindi ka man lang maka-side trip o makababad ng ilang minuto sa paborito mong tambayan sa net..kailangan mo maging perpek, sa kilos, sa gawa, para ma-impress mo ng sooo bongga ang MD nyong walang ginawa kundi sumipat ng screen ng monitor mo, kamusta naman diba?!?

But somehow, ok din yung nang-yaring yun, at least naramdaman ko ulit na may pakinabang ako sa 4 na sulok ng opisinang to, hindi ako pinandidisplay lang na parang pusang tulad ng nasa Chinese store na pakaway-kaway para makaakit ng customer, nyahahaha..at isa pa, Ok din na sa iba na-focus ung jutaks ko..para kahit panandalian makalimutan ung dapat kalimutan..anuheeerrr?!?uhmm..un na!

Sa loob ng ilang araw kong pakikipag-tunggali sa mga kable, pag-wawalis ng bayrus, pamimirata ng palabas, at pag-susunog ng ebidensya,bigla ko naramdaman ang..

BORING na MUNDO ng mga NORMAL..

Nahuhuli sa chismis, nawawala sa USO kumbaga,  namiss ko bigla ung dating ako, Uo.. ung panay kalokohan at feeling patawa lagi.. nakakamiss ung dating ako, ung ako talaga, o sabihin na nating ako talaga un, na kailangang lumitaw panandalian, tulad ng kabuteng biglang sumulpot sa kawalan, dahil kailangan mong mapa-impress si MD.. ah yewan..basta ako pa rin naman un..

Oo nga ang kulit mo..AKO UN!ibang level lang, level ng seryoso , wag na kau..may karapatan ako noh!at heto nga hindi ko  matagpuan ung buhol kong sarili, nag-tampo na ata..haiii kailan ka kaya babalik?!namimis na kita, namimiss ko na ung sarili ko..

Tulungan nyo naman ako, hanapin ang sarili ko pleheeessss…at kung saka-sakaling maligaw sa inyo, pakitali muna hanggang sa dumating ako..

Oh yeah?!

Posted in Fankorner, deepside arnie, triggermind with tags , , on October 19, 2009 by arny


I know hindi ka ok ngayon but still you managed to be In control,  No wonder they think you move in mysterious ways at yun ang hindi nila maintindihan, ang hindi nila ma-gets kung ano nga ba ang nandyan sa puso mo, ilang beses na rin kitang kinamusta pero ang sabi mo OK ka lang..naman!kahit hindi..

If you don’t give yourself credit for all that’s good in your life.. how can you expect yourself to create more?madami kaming fans(sabi mo nga)mo na nag-hihintay alamo ba?

However you’re feeling, emotionally, is always how you most want to feel.Have you noticed, that the more you hurry, the slower you go?

The more you wait, the longer it takes?

The more you worry, the less you dream?

But the more you live, love, and laugh, the more you live, love, and laugh.

Weird?Yah..

Groovy, Spooky, funky, cool, wild, this is YOU..

The Fabulous Life of Arny

and you always will be..You’re ready, to take this show wherever your heart desires.

Because you are flippin’ amazing.. cheer up :)



—– ..moshi moshi Anone—


Wirdo o tamang adik(da caller part2)

Posted in dubai, triggermind with tags , on October 22, 2009 by arny

We are all a little weird and life’s a little weird..


Paduyan duyan pako sa upuan kahapon, habang nakaipit sa kanang tenga ko ang lapis na ginamit ko sa pag-chechek, ng may-i-transfer sa aking tawag..hmnn..sino kaya eto..

Good morning this is blah blah blah speaking, how may I help you?

>>Uy!musta ka na?bungad sa akin ng kausap ko sa kabilang linya

ah eh ok lang..kahit napakunot ang kilay ko kakaisip kung sino ang caller na yun,  sabay SINO KA?

>>uhm..HULAAN mo kung sino to?(hulaan blues?)

nagsabi ako ng ilang pangalan at sa bandang huli wala ring tinamaan, haiist..

>>hindi, sa ano to..(sinabi ang pangalan ng kumpanya)..

ah ikaw si..

>>uy!tanda nya pa name ko, naks naman!hindi kasi ano..napadaan kasi ung boss mo dito kahapon, itatanong ko lang kung sumali kayo sa GITEX?

ay hindi po, (sana si boss ang tinanong noh?)bakit po?

>>wala lang pinapatanong lang ng boss ko, saka nga pala natanong kita sa boss mo 2 months ago ata, nasa bakasyon ka daw,(ehem..alamin ba ang schedule ko?)

ay opo..

>>wag mo na ako pino-po..di pa naman ako ganun katanda,(bungisngis sa kabilang linya), so kamusta ang pinas?(uy personal na yan ha?)

ah eh ok lang(tanggalin ang pag-galang), ayun magastos..

>>panay siguro ang labas nyo(eh, interesado?)insert tawang ha!ha!ha!

ganun naman po talaga pag galing ng ibang bansa kala nila mayaman pero sabi  nga WHAT TO DO..masaya naman..

>>sabagay, sabi nya, oh eh nag-enjoy ka ba?(may ganun?)

ok naman kasi kasama ko naman pamilya ko..

>>teka saan ka ba sa atin ulit?(huh?!papahuli mo ba ako sa pulis?)

sa zambales po ako, pero pabalik-balik kami manila..

>>uy!lapit lang yan sa subic diba?di pala tayo nag-kakalayo(wenu ngayon?)Pampanga lang ako, may SCTEX na so mga 30 minutes na lang byahe nyan, pero pag sa old road ka sa Sn. Fernando 2 hours ang byahe..

ahehe oo nga po, kasi hirap magmaneho nun eh…

whew!ilang minuto pang chikahan(huwaay kaya?hmnnn)..narinig ko tumunog na ung telepono nila.

>>may incoming ako tawagan na lang kita ulit..ingat and have a nice day

todo ngiti..ikaw din.. :D

Anyways, i need some air kahapon..sumakto lang ung tawag nya at kasalukuyan kong pinapahinga ang aking jutaks sa nakakadugong pakikipag-tunggali sa mga numero, whew!komersyal kumbaga..

sabi nga nila sa tambayan..SWAK, dumadating yan sa tamang panahon..nyahaha :p

Isang tagay

Posted in Familia, deepside arnie with tags , on November 1, 2009 by arny

Alam ko nandyan ka lang, nakatingin, nag-mamasid,

kung saan hindi ko masilayan..alam ko nandyan ka lang, makikita rin kita sa tamang panahon, sa tamang pag-kakataon, mag-kakasama din tayo..sabi nga nila TAYO-TAYO  rin sa finals.

Inisip ko minsan, kung ang kagaya mo ba ay mayroon ding pakiramdam?ano kaya ang itsura mo kung ika’y masaya?tulad din kaya nung huli tayong mag-kita?ano kaya ang tunog ng iyong tawa?tulad din kaya nung huli ko tong marinig nung ika’y nandito pa?

Gusto mo rin kaya akong yakapin tulad ng pag-nanais kong ikulong ka sa aking mga bisig?gusto mo rin kayang sabayan ako sa pag-tawa sa tuwing ako ay masaya?gusto mo rin kayang umiyak pag hindi ko na kaya ang bigat ng problema?gusto mo rin kayang sandalan kita pag ako’y mabubuwal na?

Alam ko nandyan ka lang, nag-mamasid..

..isang tagay para sayo,

isang kandila,na sana’y magsilbing liwanag mo sa kabilang mundo..

daddy!we miss you!

mahal kita, mahal ka namin.. :)

 

 

KOMA-tos

Posted in triggermind, work-a-holic with tags , on October 28, 2009 by arny


Asan ka?paulit-ulit na tanong sa akin sa tuwing sasagot ako ng telepono, bakit?wala ko ring sawang sagot, hindi kasi kita maramdaman, toinks!may ganun?!?uo meron!ayiiih..pa-flip muna ng bangs..ok?nandito lang ako sa paligid-ligid ng bahay kubo, nag-papayaman, nag-aayos ng farm, café at kung ano pang games sa facebook..

Sa totoo lang hindi ko mapag-sabay-sabay ang lahat, at wag kang umasang nasa way em ako, dahil wala ako dun, nandito lang ako kapiling ang makapal na kukumban na may mga numero, sinamahan pa ng calculator na siraulo, at isang matulis na lapis pansundot sa kukote ko.

"War between US"

"War between US"

 

Eto yung tinatapos ko, ilang linggo na to, pero hindi pa rin kami mag-tally, di ko nga alam kung ako o ung calculator ang may sayad, (palagay ko yung una, palagay nyo rin ano?), hmmmkkkiee..

Pasensya muna mga fans, bisi lang po tayo ngayon, kumbaga KRISIS muna sa kalokohan, relaks..relaks lang kayo dyan..kumikitang kabuhayan muna..hehe :D

how about the other way around..?!?

whew!paki-check kung tama spell..?

sabi nga ni William..

The busy bee has no time for sorrow..

Miss ko na kayo!

1 twisted year

Posted in boredom attack, dubai, okasyon, triggermind with tags , , , on November 4, 2009 by arny

Ang bilis ng panahon, parang kelan lang eh tatanga-tanga pa ako sa website na to, un bang mahihilo ka sa nag-lalabasang threads sa timeline mo, henako lang, nakakasakit sa bangs, iba’t-ibang lingwahe pa ang nakikita ko,pero dahil ng mga panahong un eh wala akong magawa, sinuot ko ang makapangyarihang eyeglasses at nag-basa, hmnn..ganito pala un..

Lumipas ang mga araw, nakikita ko na ung points ko, paataas na ng pataas, madami na akong nagagamit na engoticons at padami ng padami ung mga taong nakikilala ko sa iba’t-ibang panig ng mundo(insert abs-cbn theme)

Pumasok na ung EB moments..kainan sa dating bahay ni toyz at maria, ang tambayang little ceasars, burjuman, at palasyo ng ghurair at ang walang kasawaang tawanan, harutan at piktyuran..lahat yan dahil kay AMIX at sa buong staff nya..(tol salamat!)

Dahil dun hindi naging boring ang mundo ko bilang OCW,naks!certified na po ako, hehehe! dito kasi sa opisina, wala na yata akong dugo para umintindi at mag-paliwanag pa, at aaminin ko sa inyo mas madaming oras ang nauubos ko sa pakikipag-harutan(dati), dati un kasi ngayon nalilinya na ako sa numero, napansin yata ni boss na peteks na lang sa akin ang pag-tutupi ng kable, kaya ayun, instant palitaw ang labas ko..

Isang taon na rin halos, pahirapang makuha ang pinakakaasam na nirvana pero sige lang, natutunan ko na kung madali lang kunin ang isang bagay, ano pang silbi ng buhay diba?hindi sya eksayting..

isang maliit na mundo, na nagturo sa akin na hindi lahat ng nakikita at nababasa ko TOTOO, ma-showbiz, parang telenovela na lagi mong susubaybayan..

Ano nga bang nag-hihiwalay sa mundo ng net at sa totoong buhay?..

Sinseridad at PUSO..

well depende..ah basta un na un!

Happy isang taon na sa akin PLOK!..

KARMA

nice numbers huh?!

 

kontestant..

Posted in boredom attack, triggermind with tags , on November 12, 2009 by arny

Umpisa na ng madugong laban ng mga contestant sa starstruck-dream, believe,survive.. minsan ko lang sinubaybayan ung reality show na yun, un eh nung SEASON 1(dahil ngayon naadik ako sa survivor..)pa lang sya, excited pa kasi ako malaman kung sino-sino ung mga papasok sa iba’t-ibang level, bahala ng ma-late sa work makapanood lng..at isa pa, ang galing kasi ni mark herras sumayaw, at nakakatuwa ung hairstyle ni rainier gayang-gaya sa F4, sumakto lang naman na naadik ako sa meteor garden, yay!anong konek ng mga yan?hmmnn,,wala..(maka-entry lang)

Ganito yun, napag-isip-isip ko lang naman, na bawat isa sa atin eh contestant ng isang palabas, isang palabas na tulad ng sa napapanood natin sa mga reality based shows, may kanya-kanyang script na hinahawakan, kumbaga karakter na binubuo sa bawat eksena, para mapansin at makaagaw ng atensyon, o yung tinatawag na “SPOTLIGHT”..

ang pinag-kaiba nga lang ng skrip na hawak natin eh, skrip ng totoong laban at totoong buhay, skrip na maaring ikapahamak natin, o skrip na ikakabuti natin..walang atrasan.isang skrip na tayo mismo ang gagawa at susulat sa mga taong makakasalamuha natin, hindi lang basta skrip na binabasa at kailangang i-portray dahil un ang hinihingi sayo..alam nyo naman siguro ang ibig kong sabihin diba?

Okey, may kanya-kanyang strategy ang bawat contestant para sila mapansin, kaawaan, kainisan ng mga hurado, sa totoong buhay ganun din naman diba?ikaw ang contestant at sila ang mga hurado, may sarili kang strategy, identity para ka nila matandaan at makuha ang atensyong gusto mo, pwede kang maging bida sa kanila, at sa iba ikaw ang kontrabida, bahala ka kung paano mo yun dadalhin, pero uulitin ko, ung contest na to eh walang “premyong pinamimigay” hindi tulad ng karaniwang contest na alam natin..hindi pwede dito ung text votes, pero pwede dito ung ma-vote out ka permanently sa buhay nila.

may mga pag-kakataong binibigay para sa isang contestant, un ung pag-kakataong ipakita at makita ng ilan kung saan ka malakas at kung saan ka mahina..maaring gumawa ka ng sarili mong kwento, o maaring ang kwento mo ang gagawa  sa’yo..ma-sesentensyahan ka base sa nakikita, naririnig at nababasa nila tungkol sayo..para bang lagi ka na lang may dapat patunayan..that’s life eh..(eh panu kung mali pala ng lahat ng yun, paano kung ayaw mo lang pala ipakita, tama bang husgahan ka na lang bigla?)

makukuha mo ang SPOTLIGHT na gusto mo, hindi lang dun sa mga taong maaring kainisan ka, kundi pati dun sa mga taong mamahalin ka..

eto ung contest na hindi ka basta-basta pwedeng mag-quit..

dahil eto ang buhay mo..at ang mundo ang iyong  entablado..

Trip ko eh

Posted in boredom attack with tags , on November 15, 2009 by arny

Bago ang lahat salamat sa aking bagong header (ung nasa taas)na gawa na aking virtual brother na si vhonne.. (ayan brother na kita, wag ka ng pumalag), sya po ung lagi kong pinag-haharvest sa FT..hong gondooooo..saktong-sakto sa pag-kakasabi ko sa kanya, whew!maraming-maraming tenkyu!saka na kita ililibre ng burger at fries :D   bro..he!he!he!

siguro trip ko lang ung medyo old songs ngayon, kaya nag-hanap din ako ng mga OLD movies na hindi ko pa napapanood,hindi naman yung masyadong OLD ah..black and white ata ung screen na sinasabi nyo eh..wag ganun! eh biglang may nag-pop out sa aking monitor, at nakita ung top 10 movie soundtrack na yan, hindi ako familiar sa iba dahil nineteen kupong-kupong pa yung mga un.., pero dala marahil ng kabagutan at curiosity ko..hala sige download habang walang bantay..

at eto yown oh!

from the movie:“10 things i hate about you..”


if i have one weakness..

i think it’s  YOU..
I gave in today..Just a little, I swear

New-10

Posted in boredom attack, music, ring tone ko with tags , , , on November 17, 2009 by arny

Sa wakas naharap ko rin palitan lahat ng sounds sa aking telepono,lahat bago na at wan to sawa na naman ang mga kolokoy sa pag-blutot ng mga yun pag-uwe ko, syempre naka-folder na rin lahat para mas madali akong mag-hanap at kung ma-LSS man ako eh isang click na lang diba?

Mabuti na lang wala si boss at walang matyagang sumisipat ng monitor ko, nyahaha!syempre after ng download moment dapat burado lahat walang bakas ng krimen, mula kasi ng malipat ung ka-feeling close kong bisor eh ayun, nalintikan na rin lahat ng skedyul ko..hindi na ako makapag-peteks, lagi na lang ninja, ang dami ko ng namimiss..hindi na ako makapanood ng korean novela, at mas lalong hindi ko na maharap matulog sa c.r ng kahit ilang minuto lang..waaah!

eto yung mga bago kong kuha..link ko sa YOU TUBE ng di na kayo mahirapan sakaling magustuhan nyo diba? :D

  1. wachha say -jason derulo
  2. meet  me halfway-black eye peas
  3. sexy chick-david guetta feat. akon
  4. empire state of mind-jay-z feat. alicia keys
  5. bad romance-lady gaga
  6. body language-jesse mccartney feat. t-pain
  7. please don’t leave me-pink
  8. starsstruck-3oh!3
  9. you belong with me-taylor swift
  10. 3-britney spears

sana lang tama ung mga links ko..nyahaha

bengengot kasi ang pc ko ngayon.. :D

“Music speaks what cannot be expressed, soothes the mind and gives it rest, heals the heart and makes it whole, flows from heaven to the soul.”